top of page

Vote for Sale (Filipino)

Vote for Sale is a series on vote buying, its forms, and its effects.


MAGKANO BOTO MO?


Nagbenta ka na ba ng boto? O may nag-alok na ba sa’yo para bilihin ang boto mo?


Inaasahan nga ng COMELEC na mas lalala pa ang vote buying sa bansa sa 2022. Anu-ano nga ba ang iba’t ibang paraan ng vote buying? At paano nito naaapektuhan ang buhay ng mga ordinaryong Pilipino lalo na ngayong pandemya?


Ilegal ang magbenta at bumili ng boto pero patuloy pa rin itong nangyayari dito sa atin.


Sa 2022 nga raw, inaasahan ng COMELEC na mas lalala pa ang vote buying sa bansa.


Ano nga ba ang vote buying at ang iba’t ibang uri nito?



MGA EPALITIKO


Nagkalat na naman ang mga EPALITIKO o epal na pulitiko.


Marami bang epalitiko sa lugar ninyo? Bakit nga ba nila pinapaskil ang mukha at pangalan nila kung saan-saan?


Bakit nga ba karir na karir ng ilang mga pulitiko ang pagiging epal?



PERA PAMBILI NG BOTO


Sa kakarampot na sweldo ng mga pulitiko, saan nga kaya nila posibleng kinukuha ang milyun-milyon na ginagastos nila tuwing eleksyon?


Alam mo na ngang kurakot pero iboboto mo pa rin? Bakit?


Ito nga ang paulit-ulit na kwento ng bayan natin: Tatakbo ang pulitiko. Mananalo. Mangungurakot. Minsan mahuhuli, minsan hindi. Tapos tatakbo uli. Hindi na tayo natuto.


Pero hindi pa huli ang lahat. Nasa’yo ang pagkakataon para baguhin ito.


The Vote for Sale series is part of Botopedia - a digital compendium of Philippine national and local politics, elections, and public policy.

Comments


bottom of page